Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
bakit hinati sa 5 rehiyon ang asya?
Limang Rehiyon sa Asya
1 Hilagang Asya
2 Silangang Asya
3 Timog-Silangang Asya
4 Timog Asya
5 Timog-Kanlurang Asya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Dahil sa lawak nito, ito ay hinati ng mga Heograpo sa limang rehiyon. Ipinagbuklod ang mga bansang matatagpuan sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran. Nakakaiba ang bawat rehiyon sa uri ng klima at katangiang pisikal nito. Ang iba’t ibang klimang nararanasan ng mga bansa sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik tulad ng lokasyon at topograpiya ng isang lugar. May mga bansang bihira lang makaranas ng ulan, may mga bansa namang mahaba ang taglamig at nababalutan ng yelo. At tulad ng Pilipinas, may mga bansa ring nakararanas lamang ng tag-init at tag-ulan.