Ang salamin na tinitingnan ng persona sa tulang
"salamin" ay tumutukoy sa aktwal na salamin na ginagamit ng
kababaihan sa pag-aayos ng sarili at inilalagay sa bahay bilang dekorasyon.
Tinitingnan at sinusuri niya ang kanyang kabuuan gamit ang kasangkapang ito.
Ito ay yari sa isang naaaninag na materyales, karaniwang matigas at babasagin
katulad ng bote o ng salamin sa mata. Ito ay maaaring may sukat na kasingliit
ng isang palad o kasinglaki ng buong bahay. Nakikita sa salamin ang ganap
na repleksiyon at eksaktong larawan ng kung sinuman o kung
anuman ang inihaharap dito. Kapag ikaw ay humarap sa isang salamin, ang
larawang iyong makikita sa salamin ay ang iyong tunay na kaanyuan na walang
bahid ng pagkukunwari.