IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

tula tungkol sa wastong timbang iwasto sa tamang nutrisyon at ehersisyo

Sagot :

Tula Tungkol sa Temang "Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo"

Ang kalusugan ang natatanging yaman 
Ng bawat isa ay dapat makamtan
Tanging makikita sa wastong timbang lamang
Ang kalusugang inaasam-asam

Tamang nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot 
Upang tamang timbang ay madaling maabot
Laging alalahanin, na kapag timbang ang suliranin
Nutrisyon at ehersisyo ay huwag kalimutang suriin.

Mag-eehersisyo tuwing umaga
Igalaw ang katawan kahit nasa kama
Sadyang maganda ang simula
Kapag umaga ay masigla

Kumain sa tamang oras
Sabayan ng gulay at prutas
Upang kalusugan ay aangat
At hindi magmukhang nangangayayat