Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ano ang nais mangyari ni mathilde sa kanyang buhay?natupad ba ang mga ito?

Sagot :

Ang mga nais mangyari ni Mathilde sa kanyang buhay ay:

  • Makapangasawa ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
  • Maging tanyag at angat sa lahat
  • Maranasan ang karangyaan dahil para sa kanya ang angking ganda  niya ay nababagay lamang sa mararangyang bagay.

Natupad niya ang nais niya na maging marangya at angat sa buhay ng gabing dumalo siya sa kasiyahan pinag-usapan siyan ng lahat dahil sa angkin niyang ganda at lalo na ang kwintas na suot niya.  

Ang maikling kuwento na "Ang Kuwintas" ay isinulat ni Guy De Maupassant.  

Mga tauhan sa "Ang Kuwintas"

  1. Gng. Mathilde Loisel - Pangunahing Karakter
  2. G. Loisel - Asawa ni Mathilde
  3. Madame Foreister - Kaibigan ni Mathilde na nagpahiram ng kuwintas

Para sa dagdag kaalaman ukol sa mga tauhan sa Kuwentong "Ang Kuwintas" tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1815716

Katangian ni Mathilde

  • May taglay na kagandahan
  • Mareklamo tungkol sa estado ng kaniyang buhay
  • Mahilig mangarap ng karangyaan

Para sa dagdag kaalaman ukol sa mga katangian ni Mathilde tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/375535

 Aral sa Kuwentong "Ang Kuwintas"

  • Matuto tayong makuntento sa kung ano man ang meron ka sa buhay.
  • Maging tapat sa kaibigan.
  • Bigyan ng importansya ang mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo.
  • Laging nasa huli ang pagsisisi Para sa dagdag kaalaman ukol sa Aral sa Kuwentong Kuwintas "Ang Kuwintas" tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/367889