IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at yumao ng mga taga bisaya??​

Sagot :

Answer:

Babaylan o Katalonan

Ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at yumao ng mga taga-Bisaya ay ang babaylan o katalonan. Ang mga babaylan ay karaniwang mga babae.

Explanation:

Noong unang panahon, malaki ang responsibilidad na hawak-hawak ng mga babaylan. Kung ang sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino ang ating oobserbahan, makikita natin na mataas ang tingin nila sa mga babaylan, na karaniwang nagbibigay payo sa mga pinuno ng mga kaharian sa buong bansa. Ang mga babaylan ay humihiram ng kapangyarihan sa mga espiritung nakikita sa kalikasan, kagaya ng mga diwata, upang makakita ng mga pangitain at kung ano-ano pang mga bagay na maaaring makatulong sa pamamahala ng mga pinuno.

Sa ngayon, ang mga babaylan ay wala na sa lipunang Pilipino dahil na rin sa impluwensya ng Kristiyanismo.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/19609187

brainly.ph/question/157630

brainly.ph/question/439434

#BrainlyEveryday