Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Answer:
Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Kabite.
Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng Maynila at Kabite. Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan