Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

mga tuntunin ng isang huwarang kabataan


Sagot :

Ang isang huwarang kabataang  ay hindi lamang magaling sa paaralan ngunit mayroon din itong tunay na malasakit sa kapwa at sa pamayanang kinabubuhayan at mayroong takot sa Diyos na lumikha. Hindi masusukat ang pagiging huwaran sa pamamagitan lamang ng dami ng medalya at matataas na grado na nakukuha sa mga pagsusulit sa paaralan sapagkat ang tunay na huwarang bata na maaari mong iharap sa buong mundo ay ang batang may puso. Puso upang magmalasakit sa ibang kapwa bata, puso upang hindi maging makasarili at puso na handang maglingkod at tumulong sa mga nangangailangan. Ang tunay na huwarang bata ay handang magbigay ng oras sa mga bagay na higit pa sa laro at paligsahan. Ang tunay na huwarang bata ay may tuntuning maging mabuti hindi lamang sa sarili kundi sa lahat at upang ipakita sa mundo kung ano ang kayang ibigay ng isang bata para sa pagbabago.