IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinghaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bílang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
is•da – ito ay may 2 pantig
Ma•ri•ve•les – may 4 na pantig
Tandaang ang salitang "mga" ay laging binibílang ng 2 pantig.
Mga Uri ng Sukat:
1. Aanimin –
Halimbawa:
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
2. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nása loob ang kaliskis
3. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
4. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
5. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Ibon kang lumipad sa rurok ng langit na ang buong nasà
Silawin sa kinang ang nabaghang titig ng isang nilikha
Minsan, may mga makata ring gumagamit ng Sasampuin at Lalabing-apatin ngunit ang 5 uri ng sukat na binanggit ang madalas na ginagamit.
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tulang may 2 o maraming linya (taludtod).
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya – quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sestet
7 linya – septet
8 linya – octave
Ang couplet, quatrain at quintet ang madalas na ginagamit sa mga tula.
Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindî angkin ng mga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang hulíng pantig ng hulíng salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito sa tula ng angkin nitóng himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma:
1. Assonance – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa, kung quatrain:
Unang Lipon – nagtatapos sa pare-parehong patinig
1
1
1
1
Ikalawang Lipon – nagtatapos ang una't ikalawang linya sa parehong patinig, ang ikatlo't ikaapat na linya naman ang magkatulad
1
1
2
2
Ikatlong Lipon – magkasalitan
1
2
1
2
Ikaapat na Lipon – hindî gaanong ginagamit
1
2
2
1
2. Consonance – paraan ng tugmaan na kung saan ang mga salita ay nagtatapos sa katinig.
a. Unang Lipon – mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang Lipon – mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng mga salitang hindî lang maririkit kundi angkop na angkop (kailangang marunong pumilì ang makata ng salitang gagamitin) sa tema ng tula; gayundin, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mámbabása.
Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita at mga tayutay.
○ Tayutay - pagwawangis, pagtutulad, pagmamalabis at pagsasatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga ng tula
Anyo
Ang porma ng tula: malayang taludturan o tradisyonal (may sukat at tugma); sa kasalukuyan ay may mga tula ring may sukat pero walang tugma at walang sukat pero may tugma.
Tono/Indayog
Ang diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan; maaaring ang makata mismo o isang hayop o isang
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.