IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Bakit nga ba dumadami ang bilang ng mga kabataang babae na maagang nagdadalang tao at maagang nagkakaroon ng pamilya na hindi pa nararapat?
Malaki ang pinagkaiba ng mga kabataang babae noon at ngayon. Noon ang pag sasagawa ng panliligaw ng mga kalalakihan sa mga kababaihan ay pormal. Ito ay isinasagawa sa tahanan upang hingin ng lalaki ang abiso ng magulang ng babae na ligawan ito. Sa panahon natin ngayon kung mapapansin natin sobrang laki na ng pinagkaiba, sa murang edad pa lamang ay natututo nang maglihim sa kanilang magulang, sila ay pumapasok na sa isang relasyon na hindi pa nararapat at dahil sa paglilihim kaya sila ay hindi nagagabayan at maaaring makagawa ng mga bagay na magdadala sa isang sitwasyong hindi maganda at hindi kanais- nais gaya ng maagang pagdadalang tao ng isang babae.
Dapat tayo bilang isang babae alam natin ang bawat limitasyon natin sa ating buhay. Lagi nating iisipin na ang ating mga magulang ay nagsisikap dahil sila ay may pangarap para sa atin kaya huwag nating hayaan na dahil lang sa katigasan ng ating ulo ay mawawalan ng saysay ang paghihirap ng ating mga magulang at higit sa lahat wala silang ginusto na ikapapahamak natin kaya nararapat lamang na sila ay ating sundin.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.