IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Pansexual meaning in tagalog

Sagot :

Ang Panseksuwalidad ay isang kilalang termino na tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon nang potensiyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.[2][3] Ang ilang umamin na mga taong panseksuwal - napupukaw ng kapwa kasarian, lalaki man o babae[4] - ay tinuturing ang kanilang sarili bilang "bulag sa kasarian"—na ang kasarian at seks ay hindi gaanong mahalaga o hindi kaugnay sa pagtukoy kung naaakit sila sa iba sa seksuwal na paraan.[5] Ayon sa Oxford English Dictionary, ang pansexuality ay lumalagos sa lahat ng mga uri ng seksuwalidad; na hindi nakahangga o napipigilan sa pagpiling seksuwal na may kaugnayan sa kasarian o gawain." [6] Maari ding maging ibig sabihin ng panseksuwalidad ang pagiging naaakit sa tao dahil sa kaniyang personalidad, sa halip na sa kanilang pisikal na anyo o kasarian.

Ang konsepto ng panseksuwalidad ay sadyang tumatanggi sa ideya na may dalawa lamang na kasarian,[7] bilang tanggap ng mga panseksual ang pagkakaroon ng relasyon sa mga taong hindi istrikto o mahigpit sa pagkilala bilang lalake o babae lamang.[8]