IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

bakit nagiging sandigan ng maunlad na lipunan ang matatag na pamilya? ipawanag.

Sagot :

[tex]{\sf{\boxed{\sf{\ \underline \purple{ \: \: \: \: \: Answer: \: \: \: \: }}}}}[/tex]

bakit nagiging sandigan ng maunlad na lipunan ang matatag na pamilya? ipaliwanag.

  • dahil sa kanilang pagkakaunawaan at pagiging matatag,Dahil kapag ang isang pamilya ay nagkakasundo at matatag siguradong ito ay magiging sandigan o magiging inspirasyon ng isang barangay o lipunan at dahil bibihira nalang din ang isang pamilya na walang kinatatakutan at masaya palagi.

[tex]=================[/tex]

  • [tex]\large\bold\color{lime}{\#CarryOnLearning}[/tex]

KATANUNGAN: bakit nagiging sandigan ng maunlad na lipunan ang matatag na pamilya? ipaliwanag.

KASAGUTAN:  Ang maunlad na lipunan ay nagiging sandigan ang matatag na pamilya dahil, pamilya ang pinaka unit ng lipunan o ang bumubuo sa lipunan.

  • May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Ang pagpapakita ng kabutihang asal ay tataglayin.  
  • Bukod rito sa pamilya rin napag-aaralan kung paano mag bigay respeto sa kapwa at ang pagiging responsable.
  • Mahalaga ang pamilya dahil ito ang payak ngunit ang sentro ng isang lipunan. Pampulitikal at Panlipunang Papel ng Pamilya sa Lipunan.  Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay
  • Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya

Gampanin ng Pamilya

Mahahalagang gampanin ng pamilya:

Bilang  pangunahing institusyon  sa lipunan, ang Pamilya , ay gumaganap ng maraming mahahalagang gampanin  upang ang isang indibidwal ay lumaki bilang isang mabuting mamamayan. Nagiging batayan rin ito na kung ano ang magiging kalalabasan ng mga susunod na panahon. Ang tao ay higit na natututo kapag ang mga nangangaral ay iyong malapit sa kaniya. Ang ilan sa mga gampaning ito ay:

  • Mabiyan ang mga anak ng ligtas na tahanang masisilungan sa kahit anong panahon .
  • Siguruhing may pagkaing mapagsasalu-saluhan sa araw-araw.  At mapanatiling malusog ang mga pangangatawan ng bawat miyembro ng pamilya.
  • Magbigay ng suporta sa isa’t-isa  lalo sa mga panahon ng  pagsubok at pagdidisisyon. ( hal.  Mga suliraning kaakibat ng paglaki at pakikisalumuha sa iba, Pagkuha ng kursong pag-aaralan, pakikipagrelasyon at pag-aasawa)  
  • Paggabay/pagtuturo ng mga mabuting asal upang maging isang mabuting tao.
  • Mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga anak upang mapaunlad ang sariling kakayahan at maging isang kapakipakinabang na miyembro ng lipunan.
  • Naipapadama ang walang kapalit na pagmamahal sa isa’t-isa na makapagpapatibay ng personalidad ng bawat kasapi ng pamilya.
  • Matutuhang makapagpahayag ng sariling opinyon at makinig at tumanggap din ng opinyon ng iba.  
  • Maipagtanggol sa karahasan at pang-aabuso ang bawat kasapi nito.
  • Mabigyan ng panahong makapaglibang kasama ang bawat kasapi ng pamilya.
  • Maipakilala ang pananampalatayang ispiritwal o pang-relihiyon sa bawat kasapi ng pamilya.

Paliwanag:

Isang imahe ng magandang komunidad ang Pamilya. Umiikot ang pag-unlad, dahil sa abwat taong nahulma sa isang magandang Pamilya, ay hindi lang higit na makakapag ambag sa lipunan kundi sila din ay magiging isang katinga-tingalang tao. At sa panahong sila’y liliwas sa ibang lugar, dalahin parin nila ang mga turo at mabuting pagkatao hanggang sa kanilang pagtanda.

Para sa karagdagang mga impormasyon i-click ang mga link sa ibaba:

Kahulugan ng pamilya?: brainly.ph/question/191092

Pagpapahalaga ng Pamilya: brainly.ph/question/937313

Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng pamilya?: brainly.ph/question/1625235