Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Bakit palihim na nagtungo si basilio sa gubat?

Sagot :

Answer:

El Filibusterismo:

Kabanata 6: Si Basilio

Palihim na tinungo ni Basilio ang libingan ng kanyang ina sapagkat ayaw na niyang maungkat pa ninuman ang kanyang nakaraan.  

Ang kabataan ni Basilio ay hindi masaya. Sa kabila ng labis na pagmamahal sa kanila ng kanyang inang si Sisa ay hindi naging masaya si Basilio noong bata pa siya sapagkat hindi naging maganda ang trato sa kanila ni Crispin ng sakristan mayor. Ang biglaang pagkamatay ng kanyang ina at kawalan ng balita sa kanyang nakababatang kapatid ay nagdulot ng labis na pasakit kay Basilio. Tumakas siya sa simbahan at umalis sa kanilang tahanan para lumuwas ng Maynila. Ninais niya saktan ang sarili dulot ng labis na hirap at gutom. Mapalad na natagpuan siya ni kapitan Tiyago at kinupkop bilang isang katiwala. Sa kabutihang – loob ni kapitan Tiyago ay nakapg – aral siya at nagsimulang ibangon ang sarili.  

Dahil si Basilio ay isang matalinong bata, madali niyang nakuha ang paghanga ng kanyang mga guro. Sinubok ang kanyang kakayanan at namayani bilang isang mag – aaral. Katunayan, nakapagtapos siya ng may medalya at pinakamataas na karangalan. Sa kabila nito, ang kanyang takot na maungkat ang kanyang nakaraan ay nagmumula sa katotohanan na siya ay maaaring parusahan ng kura sa oras na mabatid nito na siya ay buhay at namamalagi lamang sa Maynila. Nais niya na maging payapa at makapagtapos ng kolehiyo bilang isang doktor. Kaya naman sa tuwing magtutungo siya sa libingan ng ina ay sinisikap niya na hindi matuklasan ninuman ang kanyang pagdalaw dito. Bukod dito, karamihan sa mga nangyari nang kanyang kabataan ay masasakit. Walang sinuman ang nagnanais na balikan pa ang mga masasakit na ala – ala lalo pa kung ito ay nagdudulot ng galit para sa mga taong nagbigay sa kanya at sa mga mahal sa buhay ng mga pasakit tulad ng kanyang amang si Pedro at ang sakristan mayor na nanakit sa kanila ni Crispin.

Keywords: Basilio, gubat, Simoun

Si Basilio: brainly.ph/question/2121669Explanation:

[tex]\huge\tt\red{\boxed{{\colorbox{hotpink}{ ANSWER :} }}}[/tex]

✏️El Filibusterismo

Kabanata 7: Si Simoun

Nagpunta si Basilio sa gubat ng mga Ibarra sapagkat hindi siya makatulog ng gabing iyon at nagpasya na lamang siya na dalawin ang labi ng kanyang ina. Sa harap ng puntod ng ina ay maraming alaalang sumagi sa isipan niya kabilang na ang pagtakas niya sa Maynila, pag iisip na sana ay masagasaan siya ng kabayo, ang nangyari sa kanila ni Crispin sa loob ng kumbento, at marami pang iba. Naalala rin nya ang pagkikita nila ni Kapitan Tiyago at ang pagkupkop ng huli sa kanya. Ito ang naging umpisa ng pagbabagong buhay niya. Nakapag - aral siya at nakapagtapos ng may mataas na karangalan.