Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
El Filibusterismo
El Filibusterismo ay isinulat matapos ang Noli Me Tangere. Taong 1887 nang makita ni Dr. Jose Rizal ang kalagayan ng bansa. Nakita niya ang kasawian ng mga kamag - anakan sa Calamba. Napag - alaman niya ang kahirapan ng mga magsasaka. Ginipit nang lubos ang pamilya niya dahil sa mga nobelang ito na kanyang isinulat.
Sa nobelang El Filibusterismo masasalamin ang kondisyon ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Ang mga pari ang siyang namumuno sa bawat bayan. Mayroong kapitan - heneral at alperes na katuwang. Sa kabila nito tila mailap ang kapayapaan. Sanhi na rin marahil nito ang mataas na buwis na ipinatutupad. Liban pa sa mga abuloy at donasyon na kinakalap sa tuwing pista ng nayon at pista ng mga patay.
Ang tanging nakapagkakalakal lamang ng mga panahong iyon ay ang mga Intsik at mayayaman. Ang mga negosyo ay para lamang sa mga prominenteng tao. Kapalit ng pagpayag sa mga negosyong ito ay ang suportang pinansyal sa simbahan. Malaki ang ginampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga tao. Halos lahat ng kanilang mga gawain ay may dasal at pagkukumpisal.
Ano ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo: brainly.ph/question/2569154
Explanation:
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.