Ang Catal Huyuk ay
isa sa mga pinakaunang pamayanan ng mga sinaunang tao noon na ngayon ay
tinatawag na Turkey. Dito makikita ang patunay na mayroong sistema ang mga
sinaunang tao ng agrikultura, paghahayupan, pag-iimbak ng mga pagkain. Ito ang
tinaguriang pinaka "preserved" na "ancient neolithic
site". Dito nagsimula ang sining
ng paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan din ng
hanapbuhay ng mga tao. Ang mga produktong ito ay kabilang sa mga ikinakalakal nila .