Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na ipinapahayag sa
pamamaraan ng isang tula. Ito ay tungkol sa hindi inaasahang
pagmamahal sa isang tao sa hindi sinasadyang panahon at pagkakataon. Ipinakita
nito ang komplikasyon dulot ng hindi sinasadyang pag-iibigan. Ipinapahayag nito na ang pag-iibigan gaano man kadalisay ang hangarin ay mananatili itong ligaw kapag naganap o naibigay sa maling tao, maling panahon at maling pagkakataon. Magmistula lamang itong pag-ibig sa hangin kung saan gustung-gusto mong iparamdam ngunit alam mo sa iyong sarili na mayroong ibang maaapektuhan dahil hindi pa tama ang panahon.