IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang mga hangganan ng asya sa hilaga,kanluran,silangan at timog

Sagot :

Ang mga Hangganan ng Asya

Anyong Lupa

  • Hilaga : Cape Chelyuskin (Siberia, Russia)
  • Silangan : Cape Dezhnev (Siberia, Russia)
  • Timog : Kapatagan ng Tanjong (Malaysia)
  • Kanluran : Cape Baba (Turkey)

Anyong Tubig

  • Hilaga:  Arctic Ocean
  • Silangan: Pacific Ocean
  • Timog: Indian Ocean
  • Kanluran: Mediterranean Sea

Ang Asya ay isang Kontinente o Lupalop ng mundo. Ito ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado. Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng Ural Mountains.  

Limang Rehiyon ng Asya

  1. Silangan
  2. Timog
  3. Kanluran
  4. Hilaga/Gitna  
  5. Timog-Silangang Asya

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Rehiyon ng Asya bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/202712

Sukat at lawak ng mga Rehiyon ng Asya

  1. Hilagang Asya - 4,003,451 km2 (1,545,741 square miles)
  2. Kanlurang Asya - 6,225,160 km2 (2,451,131 square miles)
  3. Timog Asya - 4,771,220 km2
  4. Silangang Asya - 11,839,074 km2 (4,571,092 square miles)
  5. Timog-Silangan 4,500,000 km2 (1,700,000 square miles)

para sa dagdag kaalaman tungkol sa Sukat ng mga Rehiyon ng Asya tigna ang link na ito: https://brainly.ph/question/171427

Ang Klima sa Asya ay nauuri sa sonang tropikal, arid/semi arid, temperate, continental, at polar. Nagkakaiba-iba ang klima sa bawat rehiyon dahil sa lawak  o  lapit ng sakop nito sa latitude, altitude o kaya sa karagatan

para sa mas maraming pang detalye ukol sa Klima sa Asya at ang mga rehiyon nito bisitahin ang link na ito:  https://brainly.ph/question/23016