Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Kasaysayan
Ang kasaysayan ay ang pag-aaral sa nakalipas na panahon, mga bagay na tumutukoy sa makabuluhang pangyayaring naganap sa isang lugar noong unang panahon. Ito ay kwento ng isang bayan, bansa o lipunan tulad ng kabuhayan, pulitika, mga kilalang tao na naging bahagi ng bansa, mga heograpiya at iba pa. Ang kasaysayan ang siyang pinagmumulan ng mga kaalaman, ideya at impormasyon at nagsisilbing tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon tungkol sa nagdaang panahon.
Kahalagahan ng Pagsusulat ng Kasaysayan
- Ang kasaysayan ang bunga sa gma pangyayari sa kasalukuyan.
- Mahalaga ang pagsulat ng kasaysayan dahil maari nating mabalikan ang mga pangyayari sa nakalipas na mga panahon.
- Ang kasaysayan ang nag-uugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan.
- Batay sa kasaysayan nauunawaan natin ang pagkakaugnay ng bawat panahon, maging ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
- Ang kasaysayan ay sumasalamin sa pagbabago ng mga tao, bayan at pangyayari.
- Maraming kasanayan ang nalilinang sa pag-aaral ng kasaysayan.
- Maisasariwa at mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon ang nakasulat na kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa at sa lipunan.
- Nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad, pagbabago at paglusong o pagusbong ng bago at modernong panahon na nakabase sa nakasulat na kasaysayan.
Sa pag-aaral ng ating kasaysayan, kinakailangang gumamit tayo ng mga batayan, basehan, kasanayan, at pamantayan upang masuri ang mga kaganapan at masiguro na ang nabubuong kwento ay wasto at tama.
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa mga link na:
Kahulugan ng Kasaysayan: brainly.ph/question/9079
Dalawang uri ng history: brainly.ph/question/1981327.
Ang History at Pre-history: brainly.ph/question/1981327.
#LetsStudy
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!