Malaki ang epekto ng
heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan sapagkat ito ang isa sa mga
pangunahing isinaalang-alang ng mga sinaunang tao sa pagpili ng lugar na
permanenteng tirhan at lugar kung saan lilinangin ang kapaligiran at mga likas
na yaman nito. Ang pisikal na katangian ng lugar ang pangunahing dahilan kung
kaya't mayroong mga pamayanan na umuusbong sa mga piling lugar sa mundo. Ang uri ng klima, mga likas na yaman, anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan ay ilan lamang sa mga salik na isinaalang-alang ng mga sinaunang tao sa pagpili ng lugar na paglalagian.