Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Mga halimbawa ng pabula na nagmula sa Mindanao
- Si aso at si ipis
- Naging sultan si Pilandok
- Si haring tamaraw at si Pilandok
- Ang kabayo at ang kalabaw
- Pusa at ang daga
- Ang mataba at payat na usa
- Ang aso at ang uwak
“Ang kabayo at ang kalabaw”
Mayroong isang magsasaka ang nais na manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at isinakay sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa lamang ay sinimulan na nilang ang kanilang isang mahabang paglalakbay.Ngunit makaraan ang ilang oras ay nakaramdam na ng matinding pagod at panghihina si kalabaw dahil sa bigat ng mga nakapasang gamit sa kanya.
Sabi ng kalabaw kay kabayo, kaibigang kabayo mas mabigat ang pasan kong gamit kesa sa iyo maari bang tulungan mo naman akong pasanin ang iba? Pero ang tugon ni kabayo ay ganito. Aba! Iyan ang ipinapasan sayo ng ating amo kaya pagtiisan mo at lumakad na ito ng mabilis.
Pero patuloy na nakiusap si kalabaw kay kabayo, Kaibigang kabayo parang awa mon a tulungan mo naman ako alam mo namang pagganitong kainit ang sikat ng araw ay kaylangan kong mapalamig sa ilog dahil madaling mag init ang katawan ko. Bahala ka sa buhay mo ang painis na tugon ng kabayo.
Pagkaraan ng isang oras ay mas lalo pang tumindi ang init ng araw. Hindi nga nagtagal ay hindi na nakayanan ni kalabaw ang labis na pagod at sikat ng araw siya ay agad na pumanaw.Nang Makita ng amo nila ang nangyari ay kinuha nito lahat ang nakapasan kay kalabaw at inilipat sa kabayo. Samantalang si kabayo ay bahagya ng makalakad dahil sa labis na kabigatan ng nakapasan sa kanya
At nawika niya na kung tinulungan ko lamang ang aking kasamang kalabaw ay hindi sana naging ganito kabigat ang mga pasan ko ngayon ito ng pag-sisising naibulong niya sa kanyang sarili.
Ang Pabula ay isa sa halimbawa ng ating panitikan, ito ay nagmula sa salitang Griyego na MUZOS na nangangahulugan ng mito o myth. Sa pabula ay ang mga gumaganap o tauhan ay mga hayop,halaman, mga bagay o puwersa ng kalikasan.Ang ating mga ninuno ay nagamit nila ang mga kuwento at aral na tinataglay ng pabula sa pagtuturo ng kagandahang asal sa mga tao.
Mga kilalang manunulat ng pabula
- Genoveva Matute
- Virgilio Almario
- Rogelio Sikat
- Amando Hernandez
Buksan para sa karagdagang kaalaman
https://brainly.ph/question/677197
https://brainly.ph/question/128747
https://brainly.ph/question/1643287
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.