IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng idyomatikong pahayag at ang halimbawa nito


Sagot :

Ang mga idyoma o Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Ang  Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y Makahulugang Mensahe.

HALIMBAWA:
1.Mapaglubid ng buhangin- Sinungaling
(Si Juan ay napaka mapaglubid buhangin,nahuli na tumatanggi pa.)
2.Butot balat-Payat na payat
(Kagagaling lang ni Ana sa sakit kaya siya ay butot balat.)
3.Butas ang bulsa-Walang pera
(Si Ana ay sobrang magastos tuloy ngayon siya ay butas ang bulsa.)
4.Dibdiban- Totohanan

(Gusto niyang makatapos kaya dibdiban ang kanyang pag-aaral.)
5.Kisapmata– Iglap
(napakabilis niyang tumakbo sa isang iglap bigla siyang naglaho.)
6.May sinasabi – Mayaman
(Bali wala sakanya ang pera dahil siya ay may sinabi.)
7.Isang kahig, isang tuka- Husto lamang ang kinikita sa pagkain
(Ang mga mahihirap ay isang kahig isang tuka.)
8.Matandang tinali-Matandang binata
(Si mang Jose ay masyadong mapili sa babae kaya ngayon siya ay matandang tinali.)
9.Bulanggugo- Galante sa gastahan
(Padating sa gimikan si Jose ay bulanggugo.)
10.Bukambibig -Laging nasasabi
(Si Joseph nalang ang lagging bukang bibig ni Ana.)