Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

help please
Gawain B
Ang pagtulong sa kapwa ay nagiging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa kaniyang nililimusan. Madalas inimbitahan niya ang mga batang mahihirap na makipaglaro sa kaniya. Si Jacinta ay madasalin. Tuwing araw ng linggo siya at nagsisimba. Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit at pera sa hanay ng mga pulubi. Napamahal si Jacinta sa kaniyang mga kababayan. Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok sila sa pintuan ng kaniyang tahanan sila'y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain. Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at wala ng buhay si Jacinta. Nalungkot at nagiyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta. Sanggunian: Hiyas sa Pagbasa 4, pahina 21

1. Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kuwento? Isulat ang sagot sa kahon.​


Sagot :

Answer:

ang naging suliranin ng mga tauhan sa kuwento ay malaki ang nawala sa kanila simula ng mawala si Jacinta.