IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ibigay Ang dalawang mukha ng gawaing pansibiko


Sagot :

Answer:

Sa kabuuan, maaring tingnan sa dalawang mukha ang naidudulot ng gawaing pansibiko. Una, ang pagbibigay ng

kagyat na lunas. Dahil sa mga mamamayang nagkukusang-loob na tumugon sa panahon ng kagipitan, nagiging

mabilis ang proseso ng pag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, pagsagip ng buhay kapag may aksidente,

at pagbibigay ng agarang lunas sa mga nakararanas ng gutom at sakit.

Pangalawa, ang pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto. Mga programang tulad ng pagbibigay ng

libreng pag-aaral sa mga kabataan, programang pang literasi sa mga di nakapag-aral, at pangkabuhayan para sa

mga grupong etniko ang ilang halimbawa nito. Nangyayari ito sa mahabang panahon kung saan ang resultang

matatamasa ay panghabambuhay. Sa pangalawang mukha na ito ng kagalingang pansibiko nabibigyang-solusyon

ang mga suliraning panlipunan tulad ng kamangmangan at kahirapan

Explanation: