IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Isa si Luis sa mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Ang mga magulang ni Luis ay masipag at may isang salita. Laging sinasabihan ng kaniyang mga magulang si Luis, “Kapag ikaw ay nangako O nagbitaw ng isang salita, dapat mo itong tuparin. Malaki ang pananagutan ng tao sa bawat salitang sinasambit niya." sa sa Nagkaroon ng isang Paligsahan sa Paaralan. Isa si Luis sa mga napili bilangkinatawan ng kaniyang seksiyon upang magsalita paligsahan pagtatalumpati. Mahirap lang ang pamilya ni Luis ngunit maayos sa gamit. Pero nais ni Luis na magingsa entablado ay maayos din siyang tingnan. Ang puting polo at itim na pantalon niya aymaayos pa ngunit ang kaniyang sapatos na itim ay sira na . Sinabihan ng kaniyang Ina si Luis na manghiram muna siya ng sapatos sa kaniyang pinsan.Nakahiram si Luis at sinabi niya na ibabalik din ito pagtapos ng paligsahan. Dumating ang araw na itinakda para magtalumpati si Luis sa kaniyang paaralan. Si Luis ay nanalo bilang pangalawa ngunit nagustuhan ng mga hurado ang kaniyang talumpati at nais siyang isama sa pang-rehiyon na patimpalak. Nagagalak si Luis ngunit nangako siya na isasauli agad ang hiniram niyang sapatos. Payo ng kaniyang mga magulang na kapag nangako, dapat tuparin mo kahit na kailangan mo pa ito. Ang salita mo ay marapat mong pangatawanan. Dahil yan ang nagsasabi kung anong klase at may pananagutan ka lagi. Kahit mahirap lamang, may dangal at pananagutan ka. Isinauli ni Luis ang hiniram niyang sapatos. Nalaman ng gurong tagapayo ni Luisat sinabi niya ito sa mga hurado. Bilang premyo ay binigyan si Luis ng bagong sapatos. 1. Ano ang kabutihang maidudulot sa pagtupad ng pangako? 2. Ano ang dapat pangatawan ni luis?​

Sagot :

Answer:

1. Kung magtatupad ka ng mga pangako, makakatanggap ka ng magandang balita sa paglaon. Ang pagsunod sa iyong salita ay magpapalago ng iyong reputasyon at ang iyong imahe ay igalang ng mga nasa paligid mo.

2. Kinakatawan ni Luis ang isang matapat at mapagkakatiwalaan na bata.

May God Bless You!

#CarryOnLearning