Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
ANSWER:
Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998 bílang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.
Explanation:
Pagkatapos ng kamatayan ng kaniyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabílang ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo. Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bílang kandidato ng partido Liberal para sa pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bílang kandidato ng pagkapangulo ng partido at inihayag ang kaniyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.
Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagkapangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong 9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bílang Pangulo ng Pilipinas kasáma si Jejomar Binay bílang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.
#BRAINLYMASTER
#BESMART
#CARRYONLEARNING
TY!
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.