IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Mga Ayos ng Pangungusap
May 2 na tinatawag na ayos ng pangungusap , ito ay ang mga sumusunod:
- Karaniwang Ayos ng Pangungusap
- Di-karaniwang Ayos ng Pangungusap
Ang dalawang ayos ng pangungusap ay may kaugnayan sa ayos ng simuno at panaguri ng pangungusap.
**Simuno - tumutukoy sa paksa o subject na siyang pinag-uusapan sa pangungusap.
**Panaguri -tumutukoy ito sa deskripsiyon o naglalarawan tungkol sa simuno.
Karaniwang Ayos ng Pangungusap
-ito ay tumutukoy sa ayos ng pangungusap kung saan nauuna ang panaguri kaysa sa simuno ng pangungusap.
Halimbawa ng mga Pangungusap na nasa Karaniwang Ayos
**Ang simuno sa mga pangungusap ay naka bold letter habang ang panaguri ay hindi naka bold letter / normal na letra lamang**
- Isa sa mga epidemya na dumaan sa bansa na nagdulot ng malaking dagok sa ekonomiya ay ang corona virus.
Di-karaniwang Ayos ng Pangungusap
-ito ay tumutukoy sa ayos ng pangungusap kung saan nauuna ang simuno kaysa sa panaguri ng pangungusap.
Halimbawa ng mga Pangungusap na nasa Karaniwang Ayos
**Ang simuno sa mga pangungusap ay naka bold letter habang ang panaguri ay hindi naka bold letter / normal na letra lamang**
- Ang corona virus ay isa sa mga epidemya na dumaan sa bansa na nagdulot ng malaking dagok sa ekonomiya.
Para sa iba pang mga 10 halimbawa ng karaniwang ayos at di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/120135
Makikita ang iba pang mga 5 karaniwang ayos at 5 di karaniwang ayos tungkol sa panahon https://brainly.ph/question/2148330
Mababasa ang ilan sa mga Halimbawa ng pangungusap na nasa di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/218171
#LetsStudy
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.