IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
1. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 7 (Units 1 & 2) Learner's Material
2. Edukasyon sa Pagpapakatao I Unang Markahan MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya. Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin ngayon. At maging ang mga tao sa iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo. Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya 1
3. b. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala sa sarili paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at mapanagutang tao d. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik b: a. May nabuong mga tiyak na hakbang sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos b. May kalakip na mga patunay ng pagsasakatuparan ng mga hakbang sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga konseptong iyong matututuhan sa aralin na ito. Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong dating kaalaman sa konseptong pag-aaralan PAUNANG PAGTATAYA 1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa: a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad 2
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.