IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Ang ginagawang pagsusuri o pag-sensor ng Movies and Televisions Review and Classification Board o MTRCB sa mga pelikula sa sinehan at mga palabas sa telebisyon ay maayos at epektibong isinasagawa. Ilan sa mga patunay na ito ay naisasagawa ng maayos ay ang mga babala sa mga sinehan na nakadepende sa rating ng isang pelikula na ibinigay ng MTRCB, tulad nalamang ng mga maseselang pelikula na hindi maaaring mapanood ng mga menor-de-edad. Isa naman sa mga nagpapatunay na ang gawaing ito ng MTRCB ay epektibo, ay ang pagkakaroon ng mga manonood ng kaalaman sa mga maaaring mangyari sa palabas na kanilang mapapanood kung kaya'y nagkakaroon sila ng pagkakataon na magbigay babala sa kanilang mga kasamang hindi maaring makapanood at mabigyan sila ng oras na makalipat ng ibang palabas kung ang palabas ay hindi nila kakayaning sikmurain.