IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa. Tinawag na “Tita Cory” ng ordinaryong Pilipino, binansagan din siyang “Mother of Philippine Democracy” at ang “Joan of Arc” modernong panahon.
Sari-saring parangal ang kanyang tinanggap habang at pagkatapos niyang magsilbi bilang presidente ng bansa. Kabilang na rito ang Time Magazine Woman of the Year, Eleonor Roosevelt Human Rights Award, United Nations Silver Medal, Canadian International Prize for Freedom, Ramon Magsaysay Award for International Understanding, One of Time Magazine’s 20 Most Influential Asians of the 20th Century, World Citizenship Award, Martin Luther King Junior Non-Violent Peace Prize at United Nations Development Fund for Women.
Malaki ang inasahan ng Sambayang Pilipino kay Cory Aquino, kahit pa nga simpleng maybahay lang siya bago maihalal bilang pangulo.
Nang maupo sa kanyang posisyon, itinatag niya ang rebolusyonaryong gobyerno, habang hinihintay na maratipikahan ang 1987 Constitution.
Nakita rin niya bilang banta sa kapangyarihan ng bansang may kasarinlan ang pananatili ng base military ng mga Amerikano kung kaya’t ini-utos niyang lisanin ng mga Amerikano ang military bases nila sa Zambales at Pampanga.
#HOPEITHELPS
PA BRAINLIEST NADIN^_^
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.