IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
MGA KARAPATAN NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO
(Karapatan at Pangangalaga sa Buhay) • Kiikilala ng Saligang- Batas na ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Walang sinuman ang dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas.
(Karapatan sa Kalayaan) • Bawat mamamayan ay may karapatang mapaunlad ang sarili, makapagpahayag, at makamit ang ninanais sa buhay.
(Karapatan sa Pagmamay-ari) • Malinaw na nakasaad sa Saligang-Batas na ang bawat mamamayan ay may karapatang magmay-ari ng bahay, lupa, sasakyan, kasangkapan at iba pang naaayon sa batas.
(Karapatan sa Edukasyon) • Nakasaad sa Artikulo 14 ng Saligang batas na ang Estado ay dapat magtayo at magpanatili ng isang sistema para sa libreng pampublikong edukasyon sa elementarya at hayskul.
(Kalayaan sa Pananampalataya) • Ito ay tumutukoy sa karapatan ng mga mamamayan na sumamba sa Diyos at tumanggap ng mga paniniwalang panrelihiyon.
(Kalayaan ng pamamahayag) • Nakasaad sa Saligang- Batas na ang mga mamamayan ay may karapatang maipahayag ang kanilang saloobin at damdamin sa pamamagitan ng malayang pagsasalita o pamamahayag.
(Karapatan sa Malayang Pagdulong sa Hukuman) • Ang lahat nang tao ay may karapatang dumulog sa hukuman, maging siya man ay nasasakdal o hindi, maging anupaman ang kanyang kalagayan sa lipunan.
(Gawain) • Makipagpareha sa katabi. Pumili ng isang karapatan ng mamamayang Pilipino na natalakay at magbigay ng maaaring tungkulin na kaakibat nito.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.