IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Ang Himagsíkang 1896 ang pambansang paghihimagsik ng mga Filipino laban sa kolonyalismong Español at sumiklab noong Agosto 1896 sa pangunguna ng Katipunan. Itinatag ang Katipunan o Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong gabi ng 7 Hulyo 1892 pagkatapos mapabalita ang pagdakip at pagdestiyero kay Jose Rizal. Inisip ng mga taga pagtatag na sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at dalawa pa na walang saysay ang kilusang repormista. Ang Katipunanay isang lihim na samahan para ibagsak ang gobyernong dayuhan. Unti-unti itong kumalat sa mga bayan sa paligid ng Maynila at nagkaroon ng mga sanga hanggang Ilocos sa hilaga, Kabikulan, Aklan, Cebu, Palawan, at hanggang Mindanao bago natuklasan noong Agosto 1896.
May ulat na si Padre Mariano Gil ng Tondo ang nagsuplong sa Katipunan. Nalaman niya ito mula sa isang Katipunero, si Teodoro Patiño, na hinimok ng kapatid na relihiyosang ipagtapat sa pari ang lihim na kilusan. Noon ding gabi ng 19 Agosto 1896 ay dinakip ng polisya ang maraming Filipino na pinaghihinalaang kasapi ng Katipunan. Nása Kalookan noon si Bonifacio at dagliang nag-atas na magtipon ang mga Katipunero sa Balintawak. Sa naganap na pagtitipon, ipinasiya niláng lumaban para sa kalayaan. Noong Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumaganyak sa sambayanan na lumahok sa himagsikan. Ang unang malaking labanan ay naganap noong Agosto 30 sa San Juan del Monte. Samantala, nagsipag-alsa din ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.