Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

1. Ibigay ang buod o lagom ng talata sa tekstong binasa o napakinggan. Abalang abala kami sa paglilinis ng bahay kahapon. Nagwalis si ate habang si kuya naman ay naglampaso ng sahig. Tagapunas naman ako ng bintana at kasangkapan. "Mabuti ang paglilinis ng paligid para makaiwas sa sakit,sabi ni Ina sabay abot ng meryenda. *
1 point
Naglinis kami ng bahay kahapon para makaiwas sa sakit.
Nagmeryenda kami pagkatapos maglinis.
Abalang abala kami sa paglilinis ng bahay kahapon.
Tagapunas naman ako ng bintana at kasangkapan.
2. Ikalima pa lamang ng hapon madalang na mga tao sa lansangan . Maya-maya ay maririnig ang malakas na tunog ng megaphone ng nag-iikot ng taga-baranagay. Pinaalalahanan ang bawat isa ng curfew pagsapit ng ikaanim ng gabi . ECQ na naman ulit kasi. *
1 point
Nag-iikot ang mga taga-barangay at nagpapaalalang nalalapit na curfew pagsapit ng ikaanim ng gabi.
ECQ naman ulit kasi.
May curfew na naman dahil sa ECQ.
Ikalima pa lamang ng hapon madalang na mga tao sa lansangan .
3. Ano ang tinutukoy ng salitang “kapit- tuko”? *
1 point
hindi nakakapit
mahigpit ang pagkakapit
maluwag ang apgkakapit
nakakapit ang tuko
4. Isulat ang dalawang tambalang-salita mababasa sa pangungusap.Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga.. *
1 point
dapit hapon- madaling araw
umaga’t-gabi – tanghali’t- hapon
gabi- umaga
araw-hapon
5. Punan ng angkop na pandiwa ang bawat pangungusap. Malinaw na ____sa klase si Ronald ng balita kanina. *
1 point
ulat
nag -ulat
umulat
nag-uulat
6. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang pumunta? *
1 point
Naganap / Pangnagdaan
Nagaganap / Pangkasalukuyan
Magaganap / Panghinaharap
Lahat ng nababbgit
7. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang nag-aaral? *
1 point
Naganap
Nagaganap
Magaganap
Lahat ng nababbgit
8. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang aakyat? *
1 point
Naganap
Nagaganap
Magaganap
Lahat ng nababbgit
9. Ang araw ay _____________ tuwing umaga. *
1 point
sumisikat
sumikat
sisikat
dumidilat
10. Tuwing Linggo, ______ si Althea ng mga kakanin sa harap ngkanilang bahay. *
1 point
nagtinda
tumitinda
nagtitinda
magtitinda
11. _____ ako ng traysikel papunta sa paaralan kanina. *
1 point
Sumakay
Sasakay
Sumasakay
Sakay
12. ______ ako nang mabuti sa susunod para tumaas ang aking mgamarka. *
1 point
Nag-aral
Nag-aaral
Aaral
Mag-aaral
13. _______ ng bagong tindahan ang aming kapitbahay kahapon. *
1 point
Magbubukas
Nagbubukas
Nagbukas
Bumukas
14. _______ si Bb. Sherna Colanza sa kaniyang mga mag-aaral sa online class. *
1 point
Natuwa
Natutuwa
Matutuwa
Tumawa
15. Inilalarawan nito ang panahong palatag na ang gabi, sa pagitan ngalas-sais ng hapon, at alas-siyete ng gabi. *
1 point
takipsilim
agaw-pansin
taingang-kawali
balat-sibuyas
16. Inilalarawan nito ang isang taong nagbibingi-bingihan. *
1 point
takipsilim
agaw-pansin
taingang-kawali
balat-sibuyas
17. Kumakatawan ito sa taong masyadong maramdamin o sensitibo. *
1 point
takipsilim
agaw-pansin
taingang-kawali
balat-sibuyas
18. Maaaring kumakatawan ito sa tao, hayop, bagay, pook opangyayaring madaling makatawag ng pansin o atensiyon. *
1 point
takipsilim
agaw-pansin
taingang-kawali
balat-sibuyas
19. Tumutukoy ito sa tubig na nanggagaling sa karagatan. *
1 point
takipsilim
tubig-alat
hatinggabi
balat-sibuyas
20. Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama upang makabuo ng isang salita. *
1 point
Pandiwa
Diptonggo
Pang-uri
Tambalang Salita

amswer plss?? need napo talaga? po plss need na plsss :(