IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

ano ang kalupitan sa kapwa ni donya victorina​

Sagot :

Answer:

Pamana ni rizal

Donya Victorina

Si Doña Victorina kilala bilang asawa ni Tiburcio de Espedana ay inilarawan sa akda bilang isang Pilipinang lubos na iniidolo ang mga Kastila. Tagapag-silbi ang dati niyang trabaho. Ngunit naging malaki ang impluwensiya ng mga Kastila sa kanyang karakter at pamamaraan ng pamumuhay. Madalas siyang manigarilyo ng tabako at madalas ay nakasuot ito ng mga damit na pang mga taga-Kanluran. Madalas ring ang kanyang mukha ay puno ng kolerete dahil nais niyang makabilang sa mga mataas na mga Kastila.

Sa kaniyang asta at paggalaw makikita ang panggagaya niya sa pamumuhay ng mga babaeng Kastila. Sa kanya natin maihahalintulad ang mga Pilipinong hindi tanggap ang kanilang lahi at identidad. Malinaw na malinaw kung anong uri ng mga Pilipino ang kaniyang nirerepresenta. Dito pumapasok ang tinatawag na “colonial mentality.” Maraming Pilipino ang merong ganitong pag-iisip. At ang malungkot pa dito ay hindi ito laganap lamang sa panahong ngayon ngunit nag-ugat ito sa panahon pa ng mga Kastila.

Ayon kay Marisse Sonido na sumulat ng artikulong Jose Rizal’s Doña Victorina as a Lesson on Citizenship, "It was easy to see how Doña Victorina became the kind of person she was. She lived, after all, at a time when being an Indio made you automatically inferior to the Spanish colonizers. She saw that she would get none of the prestige she desired unless she became one of those who were on top.” Ang kanyang pag-aasam na maging isang Kastila ay nagmula sa pagtingin niya nang mababa sa kanyang sarili na kailangan niyang pantayan ang mga Kastila upang tumaas ang tingin niya sa kanyang sarili.

Dagdag pa rito, ang kanyang paglalagay ng kolorete at pagkukulot ng buhok ay indikasyon kung gaano niya ikinakahiya ang kaniyang totoong identidad. Hindi lamang iyon, ngunit ipinapahiwatig rin nito na wala siyang tiwala sa kanyang sarili sapagkat hinahanap niya ang ayuda ng tao sa kanya, upang mabuo ang kanyang identidad. Nakakalungkot kung isipin na kahit ngayon, marami pa rin ang ganito ang pag-iisip.

In attaching a sense of inferiority to the word “Filipino,” we destroy our own opportunities for growth by assuming we can never be greater as a nation… Through Victorina, he wanted to show Filipinos that the only way they could rise above oppression was to embrace their national identity. Rizal also showed us we would remain enslaved by our country’s present problems and our colonial mentality if we could not find enough pride and love to make the Philippines a better place. It meant embracing your country’s flaws to be able to work towards progress and growth; to see that there was something better out there and, using that knowledge, helping your country instead of giving up on it. (Sonido, 2012)

Datapwa’t maraming kahinaan ang mga Pilipino, na mismong si Rizal na nga ang nagsabi na marami pang dapat matutunan mula sa mga Kastila, ay hindi dapat itong gawing daan upang ibaba pa nang lubusan ang estado ng bawat Pilipino, ayon rin kay Rizal. Ang karakter ni Doña Victorina ay nagbibigay ng isang mensaheng nais iwan ni Rizal hindi lamang para sa mga kababaihan ngunit pati na rin sa lahat ng Pilipino. Ang tanging paraan lamang upang ang Pilipinas ay umangat laban sa opresyon at maging maunlad ay kung tatanggapin ng bawat Pilipino nang buong buo ang sariling identidad at yayakapin ito nang mahigpit, kasama na rito ang mga kamalian at kahinaan ng mga mamamayang Pilipino. Dahil kung hahayaan ng bawat Pilipino na magpakain sa ideya na palaging nakataas ang mga dayuhan, mananakop man o hindi, ay hinahadlangan nito ang dapat na pag-unlad at pag-angat ng bansang Pilipinas.

Jo Louise Buhay.