Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
ANG DIYOS, AT ANG ANAK
[tex] \huge\purple{\underbrace{\overbrace {\tt {\textcolor {red}{ \: \: \: ⚘ KATANUNGAN ⚘ \: \: \: }}}}}[/tex]
Ano ang Pangalan ng Diyos?
Sino ang Anak Niya?
[tex] \huge\purple{\underbrace{\overbrace {\tt {\textcolor {red}{ \: \: \: ⚘ KASAGUTAN ⚘ \: \: \: }}}}}[/tex]
- Ang pangalan ng Kaisa-isang Diyos ay Jehova. Kung ating babasahin ang binabanggit sa 1 Hari 8:60, ganito ang sinasabi; "Para malaman ng lahat ng tao sa mundo na si Jehova ang tunay na Diyos. Wala nang iba!". Ganito din ang binabanggit sa Awit 83:18; "Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa."
Ang Diyos na Jehova ang Kataas-Taasan sa buong Langit at Lupa at wala nang mas tataas pa sa Kaniya. Walang imposible sa Kaniya, at Katulad ng Kahulugan ng Kaniyang Pangalan, "Pinangyayari Niya ang Anumang Nais Niya". "Pinangyayari Niyang Maging Gayon" - (Basahin ang Exodo 3:14 para sa ibang detalye).
Kung sasabihin ng iba na ang pangalan ng Diyos ay nasa mga letrang Y•H•W•H, ito po ay Tetragrammaton at isinulat gamit ang Sinaunang Hebreong mga letra, na kapag binasa o nilagyan ng Patinig ay "Yahweh". Ngunit hindi ba't mas maganda kung gagamitin natin ang ating Moderno at Sariling wika? Kaya ang ginawa po ng mga Tagapagsalin ng Bibliya ay isinalin ito sa Modernong Wika. Bilang Resulta? Ang Tetragrammaton na Y•H•W•H ay naging J•H•V•H, na kapag nilagyan ng patinig ay magiging "Jehovah". (Jehova sa Tagalog) (Ang J ay binibigkas na H)
-
Ngunit, bakit wala ang Pangalan ng Diyos, "JEHOVA", sa maraming
Bibliya sa Ngayon?
- Ang Kasagutan, ay dahil maraming tao na pumipigil sa iba na makilala ang ating Diyos. Bilang resulta, maraming tagapagsalin ng Bibliya ang nag-alis ng pangalan ng Diyos sa Bibliya, at pinalitan nila ito ng mga titulo, gaya ng 'Panginoon', 'Diyos', o 'Kataas-Taasang Hari'. May mga Tagapagsalin ng Bibliya na nagpanatili ng Pangalan ng Diyos na Jehova sa Bibliya, ngunit pinaslang sila.
-
-
-
Ngayon, Ano naman ang Pangalan ng Anak ng Diyos?
- Ang anak ay walang iba Kundi ang Panginoong Jesus. Siya ang isinugo ng Ating Mapagmahal na Diyos na si Jehova dito sa lupa upang mamatay sa tulos at maging pantubos, upang mabigyan tayo ng pag-asang mabuhay ng walang hanggan dito sa Lupa.
Noong tinanong ni Jesus sa mga alagad niya kung sino siya, ganito ang mababasa natin sa Mateo 16:16;
'Sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng buháy na Diyos.”
Para mabasa ang ibang detalye, basahin ang Mateo 16: 13-16.
Ang Panginoong Jesus ang Bugtong na Anak ng Diyos na Jehova, at dahil sa Kaniya ay naging posible para sa milyon-milyong tao sa mundo na magkaroon ng Pag-asa at Mabuhay ng Payapa, Matiwasay, at Walang-Hanggan dito sa Lupa.
Hindi ko na maiisa-isa pa ang bawat mahahalagang impormasyon tungkol sa Tunay na Diyos at Sa Kaniyang Anak. Kaya malulugod akong anyayahan na ka bisitahin ang aming website, www.jw.org, para sa iba pang detalye at mga aral patungkol sa Bibliya.
Magandang Gabi, at nawa'y makatulong ang Aking Kasagutan!
-
-
#CarryOnLearning☁️
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.