Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

panahon sa ilalim ng pamumuno ni emperador hirohito​

Sagot :

Si Emperador Hirohito 裕仁 o mas kilala sa bansag na Emperador Showa ang ika-124 na emperador ng bansang Japan, at ang kahuli-hulihang kinilalang Diyos-Emperador ng mga Hapones. Sa loob ng 63 taon sa trono, siya ang itinuturing na pinakamatagal na pinuno na nakaluklok sa makabagong kasaysayan ng mundo. Namuno siya sa panahong maligalig kung saan may kaguluhang panloob sa kanyang mga nasasakupan; nananalakay ng mga lupain ang gubyerno ng kanyang bansa; nakapasok sila sa isang digmaang pandaigdig at tumanggap siya ng pagkatalo.