IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
1.) Kababaihan sa Malolos
- Sa liham ni Rizal sa kababaihan ng Malolos, isa sa mga tinuro niyang punto ay ang tunay na ibig sabihin ng kabanalan.
“Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip.”
- Sinabi ni rizal sa kababaihan ng malolos na hindi nasusukat ang tunay na kabanalan sa pagdadasal ng mga dasal na hindi mo alam ang kabuluhan, ngunit nasa pagkatao.
“Ano kaya ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kundí ang magbubulong ng dasal, walang karunuñgan kungdí awit, novena at milagrong pangulol sa tao, walang libañgang iba sa panguingue ó magkumpisal kayá ng malimit ng muli’t muling kasalanan? Ano ang magiging anak kundí sakristan, bataan ng cura ó magsasabong?”
- sinabi din niya na ang kababaihan ay HINDI LAMANG para sa mga dasal, hindi lamang para sa bahay hindi lamang para sa simbahan. Kung hindi ay binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at imagesariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat,
- Ang mensahe ni Rizal rito ay kailangan maging matatag ng mga kababaihan, hindi lamang ang mga kalalakihan ang dapat magising sa katotohanan at lumaban kung hindi maging ang kababaihan.
2.) Gomburza: Ang Pagsilang ng Nasyonalismong Pilipino
image
-
Ang Kristyanismo ang isa sa mga sandata n aginamit ng mgaEspanyol sa pananakop sa Pilipinas. Sinakop nila tayo hindi lamang s alugar at isipan kundi pati na rin sa puso. Agad na yinakap ng mga Pilipino ang Kristyanismo kaya ganun na lamang ang kanilang respeto sa mga alagad ng Diyos kagaya ng mga prayle.
Ang tatlong prayle na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na siguro ang tatlong pinakatanyag na prayle sa kasaysayan ng Pilipinas hindi lang dahil sa kanilang kamatayan bilang mga martir ngunit dahil na rin sa kanilang malaking papel sa pagsilang ng Nasyonalismong Pilipnino. Isang halimbawa nalang nito ay an gpagkamulat ni Dr. Jose Rizal sa mga nangyayari sa bayan dahil sa kamatayan ng tatlong prayle na kita ni Rizal ang pangaabuso ng mga Espanyol sa kanilang mga posisyon. Nakita rin ni Rizal ang kawalan ng katarungan sa kanilang kamatayan. Ang kanilang kamatayan ang naging inspirasyon ni Rizal sa kanyang mga linikhakagaya ng ‘El Filibusterismo’ ang librong ito ay inala yniya sa tatlong martir na prayle.
Ayon kay Rizal marahil ay hindi niya nagawaan gkanyang mga nobela kung hindi dahil sa tatlong prayle na ito kaya ganun nalamang kalaki ang kanyang pagtanaw sa tatlong prayle na ito. Marahil ay hindi rin tayo Malaya kung hindi dahil sa kanilang kamatayan dahil kung walang Gomburza walang
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.