IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Answer:
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing panalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal: kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.
Hagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
Explanation:
Hope it helps.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.