Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ito ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. A.kolonyalismo B.imperyalismo C.Neo-imperyalismo D.Neo-kolonyalismo​




Sagot :

Answer:

B. Imperyalismo

Explanation:

Imperyalismo, isang batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.

Mga Anyo ng Imperyalismo

Kolonya - Isang bansa o rehiyong nasakop ng isang mangongolonya.

Kolonyalismo- isang tuwirang pananakop sa isang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito ng isang mangongolonya.

Ekonomiko - Isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang pangnegosyo, sa halip na ibang mga pamahalaan.

Sphere of Influence - Isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at pangangalakal.

Protektorado - Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan.

[#History // Imperyalismo]