IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Answer:
Sa ika-18 halalang pampanguluhan ng Timog Korea na idinaos kahapon, naihalal si Ginang Park Geun-hye, kandidato ng Saenuri Party, bilang bagong Pangulo ng bansa. Siya rin ang kauna-unahang babaeng pangulo sa kasaysayan ng bansang ito.
Ayon sa estadistika na ipinalabas kaninang madaling araw ng National Election Commission, nakuha ni Park ang 51.6% ng kabuuang boto. Ang kanyang katunggali na si Moon Jae-in mula sa Democratic United Party (DUP) ay nakakuha lamang ng 48% ng boto.
Pagkatapos ng halalan, ipinahayag ni Park na buong sikap niyang isasakatuparan ang kanyang mga pangako sa halalan.
Isinilang si Park noong 1952 at siya ay ang panganay na anak ni Park Chung-Hee, dating Pangulo ng Timog Korea.