Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

layunin ng european union brainly

Sagot :

Ang Mga Layunin ng European Union ay ang mga sumusunod:  

1. Makilala at mapatatag ang mga mamamayan sa bansang Europa.

2. Isaalang alang ang karapantang pantao ng bawat mamamayan.

3. Masiguro ang kalayaan, seguridad at pag papairal ng hustisya  sa bawat bansang kaanib.

4. Maitaguyod ang ekonomiya at panlipunang kaunlaran.  Hindi lamang pang ekonomiya kabilang na rito ang pangangalaga sa likas na yaman ang pangkabuuang kaunlaran

5. Pagkakaroon ng iisang merkado para sa salaping Euro.  

6. Umalalay at makilala ang Europa sa buong mundo

Ang European Union ay isang political at ekonomikal na samahan ng dalawampu’t pitong mga bansa sa kabilang sa kontinente ng Europa. Sa pagsasama-sama ng total na laki ng lupa ng mga bansang kabilang rito ay humigit kumulang na halos dalawang milyong square miles at may populasyon na apat na raan at apat na pu’t apat na milyon. Nagsimula lamang ang samahan na mayroong anim na mga bansa, ito ay ang mga sumusunod:  

Belgium

France

Kanlurang Germany

Italy

Luxembourg

Netherlands.  

Upang maging opisyal na miyembro ng samahan, kinakailangang matumbasan ang mga katangiang nakasaad sa Copenhagen Criteria na binuo noong taong 1993. Sa kasalukuyan ay may mga bansang nakalinya upang mapasama sa samahan, ito ay ang mga sumusunod na mga bansa:  

Albania

Iceland

Timog Macedonia

Montenegro

Serbia  

Turkey

Sa kasalukuyan, mayroon din mga bansang nagnanais maging miyembro ng samahang European Union kahit hindi ito kabilang sa kontinente ng Europa.