IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Anapora ang tawag sa isang pahayag kung ang panghalip na humahalili sa pangngalan ay nasa hulihan nito samantalang ang katapora ang tawag sa isang pahayag kung saan ang panghalip ay nauuna sa pangngalang pinapalitan nito. Hindi maiiwasang nagagamit natin ang anapora at katapora kapag gumagawa tayo ng pangungusap o talata subalit hindi natin namamalayan na anapora at katapora na pala ito.
Halimbawa:
Pinilit niyang ipikit ang kanyang mga mata upang makaligtaan ang nasaksihang pangyayari subalit ang mga ito ay tila may pagkukusang dumilat.
Ang pangungusap ay gumagamit ng anapora. Sa pangungusap na ito, ang mga mata ang pinapalitan ng panghalip na mga ito sa hulihang bahagi. Dahil nauuna ang pangngalang mata kaysa panghalip na ito sa loob ng pahayag, ito ay anapora.
Isa pang halimbawa:
Ito ay puno ng mga salaping kanyang inipon sa buong taon. Pinagtiyagaan talaga niyang punuin ang alkansiya.
Sa pahayag na ito, ang alkansiya ay ginagamitan ng panghalip na ito na matatagpuan sa unahang bahagi ng pahayag bago pa man ang pangngalang alkansiya. Dahil nauuna ang panghalip kaysa pangngalang pinalitan nito, ito ay katapora.
MGA DAPAT TANDAAN SA ANAPORA AT KATAPORA
- Anapora kung ang pangngalang pinalitan ay nasa unahan. PANGNGALAN - PANGHALIP
- Katapora kung ang pangngalang pinalitan ay nasa hulihan. PANGHALIP-PANGNGALAN
MGA HALIMBAWA NG ANAPORA
- Pinagsapaw sapaw ni Rodora ang mga hinugasang pinggan at nang buhatin ay nahulog lahat ng mga ito.
- Matagal na niyang hindi nakakausap ang pinsan kaya tuwang-tuwa siya nang bumungad ito sa kanyang harapan isang umaga.
- Silang lahat ay nalungkot sa sinapit ng kanilang lugar dahil doon na halos lumaki ang buong pamilya Santos.
MGA HALIMBAWA NG KATAPORA
- Sinunog ng mga kalaban ang kanilang bayan kaya wala na ngayong matirhan ang mga katutubo ng San Roque.
- Isinilid niya rito ang lahat ng mga nakuhang panggatong at ngayon ay hirap siyang buhatin ang sako.
- Pumunta roon si nanay upang mamili ng maihahanda namin sa noche buena subalit nadismaya siya sapagkat nakita niyang napakahaba pala ng pila sa mall.
Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:
https://brainly.ph/question/455855
https://brainly.ph/question/502810
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.