Ang Epiko ng Dagoy at
Sudsud ay epiko ng mga Tagbanua sa Palawan. Ito ay isang uri ng tulang
pasalaysay na pagkahaba-haba ngunit mayroong himig epiko. Kabilang ito
sa mga panitikang humubog o nagsasalaysay sa kasaysayan at kultura ng
mga Tagbanua sa Palawan. Iilan lamang ang Epiko ng Dagoy at Sudsud sa
mga patunay na ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sariling porma at uri
ng panitikan bago pa man dumating ang mga mananakop at bago pa man tayo
maimpluwensiyahan ng mga kulturang kanluranin.