Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Mapanagutang Tagasunod:
Ang mga katangian ng mapanagutang tagasunod ay:
ulirang tagasunod
matalino sa pagpili ng lider na susundin
naglilingkod ng tapat
laging isinasaalang - alang ang kabutihang panlahat
iniimpluwensyahan ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod sa pamumuno ng lider
Ang ulirang tagasunod ay nag - iisip ng kritikal at aktibong nakikilahok sa pagkamit ng layunin ng pangkat na kaniyang kinabibilangan. Siya ay nagtataglay ng kakayahan sa tarabaho, kakayahang mag - organisa, at mga pagpapahalaga.
Kapag pinili ng tagasunod ang isang lider, ibg sabihin lamang ay may tiwala siya sa lider na ito. Ang matalinong pagpili ay batay sa kung sino ang lider na makapagbibigay sa kanila ng napapanahon at mahahalagang impormasyon na kanilang kailangan, isinasali sila sa pagpapasiya at paggawa ng isang kapaligiran na kung saan ang mga kontribusyon at pagsusumikap nila ay kinikilala, iginagalang, at pinararangalan.
Ang mapanagutang tagasunod ay tapat na naglilingkod. Siya ay nagsusulong at gumagawa ng mga aksyong tugma sa ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng samahan. Gumagawa siya ng aktibong pagpapasiya upang makatulong sa pagkamit ng mga gawain ng pangkat.
Laging isinasaalang - alang ng isang mapanagutang tagasunod ang kabutihang panlahat. Siya ay laging maaasahan at nagpapamalas ng kakayahan sa paggawa upang makamit ang layunin ng samahan.
Ang pagpapamalas ng tamang pag - uugali ang siyang nag - iimpluwensiya sa ibang kasapi na makiisa at sumunod sa lider. Ito ang magtutulak sa pangkat upang maging produktibo at makabuluhan ang pamumuhay bilang bahagi ng lipunan na kanilang kinabibilangan.
Explanation:
hehe
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.