IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Ano ang Pagpapatawad?
Ang sagot ng Bibliya
Ang pagpapatawad ay pagpapaumanhin sa isang nagkasala. Sa Bibliya, ang salitang Griego na isinaling “pagpapatawad” ay literal na nangangahulugang “pakawalan,” gaya sa isang tao na hindi na humihingi ng kabayaran sa isang utang. Ginamit ni Jesus ang paghahambing na ito nang turuan niya ang kaniyang mga tagasunod na manalangin: “Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat kami rin naman ay nagpapatawad sa bawat isa na may utang sa amin.” (Lucas 11:4) Sa kaniyang ilustrasyon tungkol sa walang-awang alipin, inihalintulad din ni Jesus ang pagpapatawad sa pagkansela ng utang.—Mateo 18:23-35