Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ka MGA NAGING BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian. Tinatayang umabot ng 8,500,000 katao ang namatay sa labanan Nasa 22,000,000 naman ang tinatayang nasugatan Samantalang 18,000,000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na The Great War dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na bumago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig. Ang digmaan ay naka-sentro sa Europa subalit may ilang mga bansa na nadamay gaya ng Africa at India dahil sila ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Europeo. Gayundin ang Turkey dahil sila ay kaalyado ng Imperyong Ottoman ang Germany. Unang ginamit dito ang sandatang kemikal (lethal chlorine or chlorine gas) ng mga German at pagbomba sa sibilyan mula sa himpapawid. Malawak ang suliranin at malaking pagbabago ang naidulot nito sa Europa. Tinatayang may 9 na milyong katao ang namatay at 22 milyon ang sugatan Matindi ang taggutom sa Europe gayundin ang kawalan ng damit, gasolina at iba pang pangangailangan. Marami rin ang namatay sa epidemya ng influenza na tumama sa mga bansang kasangkot sa digmaan. Milyon-milyong halaga ng ari-arian ang nasira Malaking halaga ng imprastruktura ang nawasak kaya bumagsak ang ekonomiya ng Europe. Nagkaroon ng oportunidad ang mga kababaihan dahil kinilala ang kanilang papel at mahalagang tungkulin sa panahon ng digmaan. Nagtrabaho rin sila bilang mga drayber, klerk sa bangko, teknisyan sa laboratoryo, at kusinera sa mga kampo at ospital. Dahil dito, maraming mga babae ang naghangad na makapag-aral, makapagtrabaho, at magkaroon ng karera bilang propesyonal Ipagkaloob ng Great Britain ang pagboto ng kababaihan na may edad 30 pataas simula 1918 at ibinaba ito sa edad na 21 noong 1928. Samantala sa U.S., pinagkalooban ang kababaihan ng karapatang bumoto simula 1918 At sa usaping politikal, isa sa mga resulta ng digmaan ang pagbagsak ng apat na dinastiya ang Hapsburg sa Austria-Hungary, Romanov sa Russia, Ottoman sa Turkey, at Hohenzollern sa Germany na hudyat ng pagwawakas ng monarkiya sa Europe at ang pagbabago ng mapa sa Europe dahil sa digmaan. Ang pagkakatatag ng League of Nations upang makamit ang kapayapaang pandaigdig ayon sa probisyon ng 1.ang unang digmaang pandaigdig ay ang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng mundo kung saan unang ginamit dito ang sandatang kemikal at tinata-yang may _________________ang nasawi​

Sagot :

Answer:

1.ang unang digmaang pandaigdig ay ang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng mundo kung saan unang ginamit dito ang sandatang kemikal at tinata-yang may 1.9 milyong tao ang nasawi

sana makatulog

#studywell