Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
SULIRANIN SA SEKTOR NG PAGSASAKA
- Mataas na Gastusin sa Pagsasaka
- Problema sa Imprastruktura
- Problema sa Kapital
- Masamang Panahon
- Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa
- Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal
- Maliit na Pondong Laan para sa Pananaliksik at Makabagong Teknolohiya
- Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa
SOLUSYON
- Paghigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumasok sa bansa.
- Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
- Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
- Pagbibigay ng subsidy sa maliit na mangsasaka
- Pagpapatayo ng imbakan , irigasyon, tulay, at kalsada
- Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
- Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural
- Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumasok sa bansa.
SULIRANIN SA SEKTOR NG PANGINGISDA
- Trawl Fishing
- Polusyon sa Tubig
- Lumalaking Populasyon sa Bansa
- Oil Spill at mga Lasong Kemikal
- Paggamit ng Dinamita
SOLUSYON
- Tiyakin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan, samahang pampangisdaan, at kapulisanupang mahuli at maparusahan ang sinuman na gumagamit ng ilegal na paraan ng pangingisda. Malaki ang magagawa ng sama- samang pagkilos.
- Mag organisa ng “bantay-dagat” na binubuo ng lokal na mangingisda at mga pinunong barangay.
- Gumamit ng tamang paraan sa panghuhuli ng isda.
- Huwag manghuli ng dugong, pagong, at mga organismong nanganganib na tuluyang maubos.
- Magsagawa ng mga pag-aaral at talakayin sa pamayanan tungkol sa wastong paraan ng paggamit ng yamang-dagat.
- Pangalagaan ang mga bakawan upang maibalik ang dating yaman ng karagatan.
- Ipatupad nang mahigpit at walang pagtatangi ang mga batas pampangisdaanna nangangalaga sa yamang-dagat.
- Tumukoy ng iba pang linya ng hanapbuhay na maaaring pagkakitaan ng mga mangingisda upang hindi tuluyang maubos ang yamang-dagat.
- Paigtingin ang regulasyon sa mga munisipal na mangingisda at malalaking komersyal na operator sa pamamagitan ng mga lisensya, permit at iba pa.
- Magpataw ng kaukulang kaparusahan sa bawat kompanyang lumalabag sa pangangalaga ng karagatan at yamang-dagat.
SULIRANIN SA SEKTOR NG PAGGUGUBAT
- Patuloy na pagtaas ng populasyon
- Ilegal na pagpuputol ng puno
- Mga sakuna
SOLUSYON
- Higpitan angmga patakaran laban sa ilegal na pagtotroso.
- Magtanim ng puno sa bawat pagputol na gagawin.
- Pagtatalaga ng kalihim ng DENR na totoong magtataguyod ng likas-kayang kaunlaran.
- Dagdagan ang pondo para mas mahigpit na mabantayan ang kagubatan.
- Palaganapin sa pamamagitan ng media at edukasyon ang kahalagahan ng gubat sa pagtiyak ng ecological balance.
- Matuto sa karanasan at tradisyon ng mga pambansang minorya o katutubo sa pangangalaga nila sa kalikasan.
#CarryOnLearning
#MarkMeBrainliest
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.