IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ilarawan ang kaganapan sa pearl harbor


Sagot :

Answer:

Ang pagsalakay sa Pearl Harbor sa Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos ang surpresang pagsalakay ng hukbong pandagat na Imperyal na Hapones laban sa base ng hukbong pandagat ng Estados Unidos noong umaga nang Disyembre 7,1941. Ang pagsalakay na ito ay nagtulak sa Estados Unidos na pumasok sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsalakay ay nilayon upang pigilan ang U.S. Pacific Fleet sa panghihimasok sa mga aksiyong militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya. May sabay na pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas, at sa Imperyong British sa Malaya, Singapore at Hong Kong.