Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Sagutin ang tanong na hindi bababa sa limang pangungusap.

Bilang isang mag-aaral,ano sa iyong palagay ang pinaka mabigat na maaaring humadlang sa iyo sa pagkamit ng iyong mithiim?Bakit?


Sagot :

Answer:

Bilang isang mag-aaral, ang pinakamabigat na maaaring humadlang sa pagkamit ng aking mithiin sa buhay ang ang katamaran o ang pagiging tamad.

Explanation:

Para sa akin, katamaran ang maaaring humadlang sa pagkamit ng mithiin at sa pag-abot ng mga pangarap ng isang tao dahil ito ang pipigil sa iyong loob na magsisikap at magtagumpay sa buhay. Kapag ang tao ay tamad, ang tanging iisipin nya ay ang lahat ng bagay na ginagawa nya ay mabigat at mahirap, kaya pinipigilan nito ang hangarin ng tao na magtagumpay. Bilang isang mag-aaral na masipag at masikap, mahirap ka man, di parin ito hadlang sa pagkamit ng iyong pangarap dahil kaya mong labanan at pagsikapan ang lahat ng ito marating mo lang ang tagumpay sa buhay. Kaya naman sa mga mag-aaral, laging tandaan na sa bawat hamon ng buhay, palaging pagsikapang makapagtapos ng pag-aaral at labanan ang katamaran na maaaring humadlang sa pagkamit at pag-abot ng inyong mga pangarap sa buhay.

------------------------------

Sana makatulong. Maaari mo ring dagdagan ang aking sagot o di kaya'y i-paraphrase mo lang. Salamat.