IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer: nope.Ano ang epekto ng pambubully sa nambubully? Kadalasan, kapag pinaguusapan ang bullying ay ibinibigay ang pokus sa mga biktima. Ngunit, mayroon ding mga masasamang epekto ang nangyayaring pambubully sa mismong nambubully. Para mas maintindihan natin ang paksa, mainam na alamin muna natin ang kahulugan ng bullying.
Ang bullying o tinatawag ding pambubulas sa tagalog ay tumutukoy sa isang sinasadya, madalas, at paulit-ulit na pananakit sa kapwa. Ang pambubulas ay isa sa mga nakakaalarmang karahasan sa paaralan. Ito ay kadalasang nangyayari sa loob ng silid-aralan o eskwelahan lalo na kung walang nakatingin na guro sa kanila. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa kahulugan ng bullying o pambubulas, maaaring magtungo sa pahinang ito: brainly.ph/question/554883
Mayroong iba't ibang uri at halimbawa ng bullying o pambubulas:
Pasalitang Pambubulas - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salita, pasabi man o pasulat, upang saktan o maliitin ang kapwa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay pagtawag sa kapwa ng iba't ibang palayaw, pagsabi ng hindi maganda tungkol sa kanyang panlabas na anyo, at pagbibiro tungkol sa kanyang kasarian.
Sosyal o Relasyonal na Pambubulas - Ito ay tumutukoy sa pagsira ng pakikipag-ugnayan o reputasyon ng kapwa sa ibang tao. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay paninira ng patalikod sa binubulas at sadyang pag-iwan dito.
Pisikal na Pambubulas - Ito ay tumutukoy sa pananakit sa katawan at di pagrespeto sa mga pag-aari ng kapwa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay panununtok, pagsipa, pagpingot, at pagsampal sa kapwa.
Para sa mga karagdagang halimbawa ng bullying o pambubulas, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/522392
Napakaraming masasamang epekto ng bullying o pambubulas sa binubulas o biktima. Ngunit marami ring nagiging masamang epekto sa nambubully o nambubulas mismo. Ang ilan sa mga ito ay:
Mas lalong napapalapit sa kapahamakan
Magiging manhid sa paggawa ng kasamaan
HIndi magkakaroon ng tunay na kaibigan
Maaaring hindi makatanggap ng tunay na pagmamahal at respeto mula sa kapwa
Para sa mga dagdag na impormasyon ukol sa mga epekto ng mga bullying sa mga mag-aaral, maaaring sumangguni sa pahinang ito: brainly.ph/question/86652
Explanation:
Answer:hindi ako nambubulas dahil hindi ito magandang gawin dapat ay nagpopokus tayo sa pag aaral hindi sa ganitong bagay.
Explanation:
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.