Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

gumawa ng isang sanaysay na may kaugnayan sa mga naganap na digmaan at kung paano natin makamit ang kapayapaan o mga hakbangin tungo sa pagkamit ng kapayapaang pandaigdig

pa help po​


Sagot :

Answer:

Nagsisilbing mayamang-batis kultural ang mga pelikula upang masuri ang kasaysayan at

konteksto ng kinalalagyan ng lipunang lumikha nito. Bilang midyum ng alaala, pumapaloob ang

pelikula sa konsepto ng “collective memory” kung saan maaring maging tagapamagitan ito ng

identidad at pangkasaysayan kaalaman ayon sa pag-unawa ng kultural na representasyon nito.

Batay dito, layunin ng papel ang suriin ang naging perspektiba ng mga Hapones sa Ikalawang

Digmaang Pandaigidig (World War II) batay sa tatlong mga piling pelikulang historikal na

pinamagatang, “The Grave of the Fireflies” (1988), “The Wind Rises” (2013), at “In This Corner of the

World” (2016). Sa tulong ng mga nasabing pelikula, inaasahang matutunton ang mga naging

karanasan at kasaysayan ng mga Hapones sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig at kasama na rito

ang naging pagkilala sa identidad sa bansang Hapon matapos ang digmaan (Postwar Japan). Mula

sa pag-aaral nagkaroon ng pagpopook sa diskurso ng alaala bilang kasaysayan at ang mga

karagdagang implikasyon nito. Itinatawid din mula rito ang pagsulong ng progresibong kamalayang

nakatuon sa pagpupunyagi ng mga Hapon para sa kapayapaan sa kabila ng dagok ng karahasan

dulot ng digmaan. Sa kabila nito, inimumungkahi ng papel bagama’t ang mga pelikula ay nagsilbing

daluyan ng pilosopiyang pangkapayapaan, hindi ito itinuturing angkop na pamamaraan sa

pagpataw nito ng kaalamang historikal dahil masalimuot ang paggamit ng kolektibong alaala sa

paglahad ng kasaysayan.

Explanation:

ATE YAN NAPO OK LANG KUNG DI MO UUBUSIN YAN LAHAT BASTA NAKA ANSWER KALANG NG MAAYOS :)