Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ano ang layunin ng relihiyong islam?

Sagot :

Explanation:

~ Bilang Muslim, dapat nating bigyan ng pansin ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa itinakdang pag-aayuno tuwing buwan ng Ramadan upang malaman ang kahalagahan nito at ang mga biyayang makakamtan sa matapat na pagtupad nito .

~ Katunayan, ipinag-utos sa mga Muslim ang pag-aayuno tuwing sasapit ang buwan ng Ramadan. Tunghayan natin ang kahulugan ng isang talata sa Banal na Qur'an : "O kayong mananampalataya! Ang Siyâm (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo magkaroon ng Taqwa". (Al-Baqarah 2:183)

~Ang mga sumusunod ay dapat malaman upang maging kapaki-pakinabang ang ating pag-aayuno :

›› Ang Pagkakaroon ng Takot sa Allâh(swt). Ang takot na pinahahalagahan dito ay siyang magsisilbing pananggalang sa ating sarili laban sa Apoy ng Impiyerno at galit

mula sa Allâh(swt)., kaya't nararapat lamang na tanungin natin ang ating mga sarili kung dapat bang talikuran ang pag-aayuno. Gayundin, tanungin natin ang ating mga sarili kung ang pag-aayuno bang ito ay naging daan upang maragdagan ang ating takot sa Allâh(swt). Naging dahilan ba ito upang ating mapangalagaan ang ating mga

sarili laban sa Apoy ng Impiyerno?

›› Ang Pagiging Malapit sa Allâh(swt )…

Upang tayo ay maging malapit sa makapangyarihang Allâh (swt), kailangang dagdagan ang pagbabasa ng Banal na Qur'an sa araw at gabi, sumama sa pagdarasal ng Taraaweeh, laging isaalaala ang Allâh(swt), magtipun-tipon upang talakayin ang kahalagahan ng kaalaman at mga bagay na may kaugnayan sa pananampalataya, at sikaping magsagawa ng Umrah kung may kakayahan at pagkakataon. Gayundin, ang pananatili sa loob ng Masjid (I'tikaaf) sa huling 10 araw sa buwan ng Ramadan upang sa kahit sa maikling panahong ito maibuhos ang sarili sa pagsamba sa Allâh(swt) at pansamantalang ilayo ang sarili sa makamundong bagay .

Sinumang nananatili sa pagkakasala, mararamdaman niya ang kanyang paglayo sa Allâh(swt) na siyang dahilan upang maging mahirap sa kanya ang magbasa ng Banal na Qur'an at ang pagpunta sa Masjid. Subali't ang isang masunuring mananampalataya ay patuloy na nagnanais na mapalapit sa Allâh(swt) at siya ay gumagawa ng lahat ng uri ng pagsamba bilang kanyang tungkulin sa Allâh(swt).